I am KAYCEL ANN........ :)

‘Yung feeling pag meron ka!

Via About Romaine,

That heartbreaking moment when you confessed & said “I love you” but that person just looked at you & said “Thank you”.

Via ILOVEBOBONG

“Hi ako po si Dash, Bagong ligo po ako.. :) “



This is me…nail polish collector :3

(Source: constantly-fashionistic)


Me jealous? unfortunately yes…

Nakakainis na yung ganito. Paulit-paulit ulit nalang.. isip bata ka pa din.


Ang Mga Lalake Talaga, Oo (tugon sa mga lalake)

Ano ba kayong mga lalake?

Kaming mga babae na naman ang nakita. Lalake, agrabyado. Lalake,

kinakawawa. Lalake, hindi maintindihan. Hmmp, parang masyado yatang

nagisa ang mga kabaro ko.

 

Tungkol sa pagiging patas sa ngalan ng pag-ibig, kami naman ang

laging talo a, hindi kayo. Kami ang laging lugi, kami ang laging

nawawalan at iniiwan.

 

Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng konti pagkakamalan ka nang

malandi. Hindi pangseryosohang relasyon. Marinig lang nila na malakas

kang magsalita, palengkera ka na. T.O. kagad sa kanila iyon. Mahilig

silang tumingin sa mga babaeng sexy manamit, kulang nalang makita na

kaluluwa. Pero kapag babaeng seryosohin at gustong ligawan dapat

disente, dapat mala-anghel ang mukha, dapat mukhang inosente. Tapos

kami pa raw ang mahilig mamili? Parang baliktad yata?

 

Ok, ayan nanliligaw na si lalake. Dapat pakipot ka para suyuin ka,

para habulin ka pa lalo. Kapag hindi ka naman nagpakipot “easy to

get” naman ang tingin sa iyo. Hindi ka na seseryosohin. Sino bang may

sabing magpaalila kayo, di naman namin hawak ang buhay niyo. Natural

lang na magtiis kayo, may gusto kayo sa amin eh. Kapag nakuha niyo na

iyon wala na lahat ng mga paghihirap niyo, babaliktad na ang

sitwasyon kami naman ang mamromroblema. Para lang kayong may gustong

bilhin na bagay. Upang mabili ito kailangan munang magsakripisyo,

magtipid, magtiis. Pag nabili na at napagsawaan wala na, balewala na.

Diyan ka na sa tabi-tabi. Tawagan nalang kita pag trip ko o kaya’y

pag may gusto akong ipagawa sa iyo.

 

Ano pa ba? E di sinagot mo na diba. Utang naloob pa natin yun. Dahil

naghirap daw sila sa panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit

pa. Sa umpisa kailangan malambing ka, maayos at laging magsisilbi sa

kanya. Ayaw daw nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang

nagmando, aba, masasakal naman. Sasabihin pa sa iyo “demanding” ka.

Meron ka pang maririnig na “I think we need space” at kung anu-ano

pang ek-ek. Sino rin may sabing di dapat kami magpakabait, maging

devoted at faithful? Kapag kami ang sumaway niyang mga iyan, iba na

ang tingin sa amin. Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at

kung anu-ano pang mga bansag ang itatawag sa amin. Kapag kayo gumawa

noon, ok lang. Lalake kayo eh, macho kayo pag ginawa niyo iyon. Kaya

kami. Walang magawa. Magpapakaburo at magpapakamadre nalang. Kapag

nagloko na kayo ano pa bang magagawa namin? Eh di iiyak nalang. Wala

namang ibang magagawa eh.

 

Tungkol naman sa tinatawag niyong pagdedemand namin. Hindi kami

nagdedemand! Karapatan lang namin iyon. Karapatan namin na lambingin

niyo kami, icheck at ipakita sa amin na mahal niyo kami.

 

Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa amin. Seryoso rin naman

kami ah. At ang maturity wala yan sa edad. Mas maaga nga kaming

magmature sa inyo. Ang isang 19 year old na lalake eh, isip 15 pa

yun. It follows iyan sa lahat ng age group. Mas mataas pa nga kung

minsan ang pagbawas ng level of maturity. Kayo na ang mag-math. Pati

yung pag-iyak namin pinupuntirya niyo. Kesyo drama daw. Diba kapag

umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon diyan. Ano tingin niyo sa amin mga

artista?!

 

Alam niyo iyon? Yun bang kulang nalang ay lumuha ka na ng dugo, pero

hindi ka pa rin papansinin. Sasabihan ka pang tigilan na ang

pagdradrama. Hindi nila kami maintindihan kapag nagseselos kami.

Bakit naman kami magseselos kung wala kaming nakikita? Mas iba kaming

magmahal. Mas masarap.

 

Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre iwanan blues na. Kami

pa raw ang nagsawa, kami pa raw ang nagtritrip lang. Sino ba ang

lumalayas kapag may nakita nang bago, sino ba ang mayabang, sino ba

ang nagmamalaki? Kami ba? Kami ang walang choice. Kasi ang babae pag

sinabing “break na tayo” lambingin lang iyan ng konti balikan blues

na iyan. Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka diyan. Kahit

mag-tambling ka pa sa harap niya. Wa-epek. Umiyak ka ng bato.

Wa-epek. Tsk, tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa.

 

Post-break up, mahal pa ng babae si lalaki. Sasamantalahin ni lalaki.

Magpapagawa ng kung anu-ano. Naaalala ka lang kapag may kailangan sa

iyo. Kapag pumangit ka after the break up, magpapasalamat sila na

iniwan ka nila. Kapag gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong

sangkatauhan na naging girlfriend ka niya. Sala sa init sala sa lamig

talaga.

 

Ano ba namang buhay to? Ang hirap ding maging babae ano. Kala nila

laging sila nalang. Lagi rin kaming naiiwan sa ere. In-love din kami.

Ang mga lalake talaga, oo.

 

 

 

— HAHA! :P



I remember this..HAHAH………bata pa ng faces namin :”>
that was taken 1 year ago.. and now we’re spreading LOVE. hihi :))



SARAP nito HONEY!!!!!alam kong favorite mo to..well, lahat naman favorite ng mahal ko haha, Craving for this.. I want! :***



and It’s a dream come true. Prayers answered



Always Forgive :”>

(Source: staypozitive)


110
To Tumblr, Love PixelUnion